Atong Ang, Gretchen Barretto, at retired Gen. Estomo, binigyan na ng subpoena ng DOJ | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Naglabas na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) kontra sa business tycoon na si Atong Ang, Gretchen Barretto, dating Metro Manila Police Chief General Jonnel Estomo at 59 iba pang sangkot sa kaso ng missing sabungeros, ayon sa kumpirmasyon ni Prosecutor General Richard Fadullon.

Sa pahayag ni Justice spokesperson Mico Clavano, mula sa preliminary report ng National Prosecution Service ang inisyung subpoena laban sa 59 o 60 respondents, kabilang ang 18 na pulis sa kaso ng mga sabungero.

Ang subpoena ay hinggil sa reklamo ng mga naulilang pamilya ng mga sabungero, na idinidiin si Ang, Barretto, Estomo at iba pang mga indibidwal ng serious illegal detention, multiple murder kasama ng iba pang mga complaint.

Nauna nang pinabulaanan ni Ang, Barretto at Estomo ang mga paratang sa kanila. Gaganapin ang unang pagdinig sa September 18. (Denniel Salayo/ News Light)