Ateneo de Davao rocketry team, nanguna sa Malaysian Rocket CanSat Competitions 2025 | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Husay sa siyensya, partikular sa paggawa ng rocket, ang ipinamalas ng mga estudyanteng Pilipino.

Nasungkit ng Ateneo de Davao rocketry team ang unang karangalan sa Malaysian Rocket CanSat Competitions 2025.

Nanguna ang grupo ng mga Pinoy sa 65 grupo mula sa iba’t ibang bansa sa Asya na lumahok sa kompetisyon.

Ibinida ng Ateneo de Davao students sa 1km CanSat category ang kanilang rocket na “Pompano,” isang 100-centimeter rocket.

Dahil sa reliability ng kanilang disenyo at perfect recovery nito mula sa paglipad, nagwagi ang “Pompano.”

ADVERTISEMENT

Kinabibilangan ang team nina aerospace engineering students Avery Clyde Dimasuhid, Derrick John Garay, Clarence James Valenzuela, Fritzie Mae Maniquez, at Carlos Leo Panelo.

Pagbati sa mga estudyanteng nagwagi, maging sa mga gurong sumuporta at tumulong sa kanila.