Arise Shine Worship Festival sa San Juan, Batangas, kasado na sa darating na Mayo 2026 | News Light

📅

Muling magbabalik ang Arise Shine Worship Festival ngayong 2026!

Humanda para sa isang makapigil-hiningang non-stop worship experience na maglalapit sa atin sa presensya ng Panginoon.

Pangungunahan ito nina Pastor Rommel at Susan Guevara, na kilala sa kanilang mga awiting nagbigay-inspirasyon sa maraming henerasyon ng mga Pilipino.

Makakasama rin nila ang Jesus One Generation at marami pang worship artists ang dapat abangan.

ADVERTISEMENT

Isama na sa inyong summer vacation ang Arise Shine Worship Festival Revival Battle Cry, na gaganapin sa San Juan, Batangas sa darating na Mayo 1, 2026. (Benedict Quejado/News Light)