
Isang appliance center ang tinupok ng apoy sa Brgy. Bagong Buhay, Gumaca, Quezon, pasado alas-5 kaninang umaga.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP para matukoy ang sanhi ng sunog, gayundin ang halaga ng pinsala nito.
Nagpaalala naman ang BFP sa publiko na maging alerto at maging mapanuri sa mga bagay na maaaring magdulot ng sunog.
ADVERTISEMENT



