Anti-political dynasty bill, inihain nina Speaker Bojie Dy at Sandro Marcos | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Magkasamang inihain sa Kamara nina House Speaker Bojie Dy at House Majority Leader Sandro Marcos ang panukalang pagbabawal sa political dynasties sa bansa.

Inihain noong Disyembre 10 ang House Bill No. 6771 na nagbabawal sa mga kamag-anak sa loob ng fourth civil degree of affinity or consanguinity ng isang nahalal na opisyal na humawak ng elected public position.

Sa panukala, bawal ang sabay na paghawak ng posisyon sa national level ng dalawa o higit pang magkakapamilya, at bawal ring tumakbo sa iisang provincial, municipal, city, o barangay nang sabay.

Bawal ring sabay na tumakbo sa iisang congressional office sa isang legislative district.

ADVERTISEMENT

Layon umano ng panukala na isulong ang reporma para sa maayos na pamamahala at maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.