Anti-dynasty law, nais isabatas ni Marcos Jr. dahil sa mga politikong ‘umaabuso sa batas’ — Palasyo | News Light

📅

Dinepensahan ng Palasyo ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing priority measure ang anti-political dynasty bill.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nais ng Pangulo na isabatas ang anti-dynasty bill dahil sa mga politikong umaabuso at nagpapaiikot sa batas.

Kasunod ito ng isyu ng katiwalian sa pamahalaan kung saan nadadawit ang ilang political dynasty.

Ayon pa kay Castro, nais ng Pangulo na mas lumakas ang kapangyarihan ng taumbayan.

Ngunit ang Pangulo mismo ay miyembro ng political dynasty.

ADVERTISEMENT

Siya ay anak ng dating pangulo at diumano’y diktador na si Ferdinand Marcos Sr., at ang anak naman niya na si Sandro Marcos ay kasalukuyang House majority leader.

Habang ang kapatid niya na si Imee ay senador at ang pinsan na si Martin Romualdez ay nananatiling kongresista.

Si Romualdez ay umano’y sangkot sa maanomalyang flood control corruption.