Anti-corruption task force ng DPWH, binuwag na ni Sec. Vince Dizon | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Binuwag na ni bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang anti-graft and corrupt practices committee ng ahensya.

Ito ang task force na binuo ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na mag-iimbestiga sana sa katiwalian sa DPWH at sa flood control projects.

Binuwag ito ni Dizon dahil hindi aniya puwedeng imbestigahan ng DPWH ang sarili nito.

Isa ito sa mga hakbang ni Dizon para linisin ang kagawaran, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

ADVERTISEMENT

Samantala, bubuo na rin ng independent commission ang Pangulo na tututok sa imbestigasyon ng pamahalaan hinggil sa korapsyon at anomalya sa DPWH.