Anti-corruption mayors, nanawagan ng transparency hinggil sa flood control projects | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Higit 40 na mga mayor at vice mayor ang nagkaisang manawagan para sa transparency hinggil sa pondo ng flood control projects ng pamahalaan.

Kaugnay pa rin ito sa umano’y korapsyon sa flood control projects.

Kabilang sa mga local government official na nanawagan sa pamahalaan sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Pasig City Mayor Vico Sotto, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Isabela City, Basilan Mayor Sitti Hatiman.

Sa nagkakaisang grupong kung tawagin ay ‘Mayors for Good Governance’, nanawagan ang mga mayor at vice mayor na panagutin ang mga sangkot sa korapsyon sa mga flood control project.

ADVERTISEMENT

Pagdidiin ng grupo, dapat nang wakasan ang korapsyon sa mga proyekto ng pamahalaan.