Anim na mangingisda sa bangkang tumaob sa Sta. Ana Cagayan, na-rescue ng PCG.

📅  |  ✏️ Updated

Umakyat na sa tatlo ang bilang ng nasawi dahil sa nagdaang bagyong Nando, habang pinag iingat naman ang mga Pilipino sa panibagong bagyong Opong.

Anim na mangingisda ang narescue ng coast guard sa fishing bangka na tumaob sa laot sa Santa Ana Cagayan nitong Sept. 23, matapos ang kasagsagan ng nagdaang bagyong Nando.

Ayon sa PCG, 13 ang sinasabing sakay ng Bangka natagpuan na ang ilang cadaver. Habang patuloy na pinaghahanap ang apat na iba pa.

Samantala sa La Union, isang 70 anyos na lalaki naman ang natagpuang wala nang buhay ng Coast Guard Agoo.

ADVERTISEMENT

Sinasabing nadulas at nahulog sa ilog ang lalaki sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Nando nitong Lunes Sept 22.

Sa Capiz naman, isang 26 anyos na lalaki ang nalunod sa ilog nitong weekend.

Sa pinaka huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa tatlo ang kumpirmadong patay lima pa ang nawawala

ADVERTISEMENT

Habang may 13 nasugat swerte naman na may ilan ring residente ang matagumpay na nasagip ng rescuers

Apat ang naligtas ng Coastguard, BDP, PNP at Navy.

Aabot naman sa kabuoang 44,000 na pamilya ang naapektuhan ni Nando.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon ongoing ang clearing operations sa mga lalawigan nasalanta ng bagyong Nando, pero pinaghahanda na rin ang bansa sa bagyong Opong.