Umapela ang aktres na si Angel Aquino sa senado at ilan pang mga biktima ng deepfake na habulin ang mga nasa likod ng cyber pornography gamit ang AI o artificial intelligence na laganap ngayon.
Sa pagdinig ng senado isinampa niya ang panawagan na nararapat hulihin at parusahan ang nasa likod ng cyber pornography.
Iginiit din ni Aquino na ang deepfake ay bagong anyo ng karahasan laban sa kababaihan.
Kaya aniya dapat hindi lang mga gumagawa kundi pati ang mga nagpapakalat at mga platapormang nagbubulag-bulagan umano ang managot.
ADVERTISEMENT
Diin ni Aquino, kailangan agapan ng batas laban sa AI generated deepfake para hindi maulit ang pambabastos na kanyang naranasan.



