Analyst, iginiit na dapat manatiling neutral ang Pilipinas sa gitna ng giyera ng Israel at Iran

📅 June 24, 2025 12:17 PM PHT  |  ✏️ Updated June 24, 2025 12:17 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Uncategorized

Dapat manatiling neutral ang Pilipinas sa gitna ng lumalalang giyera sa pagitan ng Israel at Iran, ayon sa security analyst na si Chester Cabalza.

Giit niya, bagama’t kaalyado ng U.S. at Israel ang Pilipinas hindi dapat madamay ang bansa sa kaguluhan na walang direktang kinalaman ang Pilipinas.

Higit dito, mas dapat tutukan ang ligtas na pag-uwi ng mga OFW sa apektadong mga bansa.

Dagdag pa ni Cabalza kailangang panatilihin ang neutralidad ng pilipinas lalo’t kumakandidato ito bilang non-permanent member ng united nations security council.

Kaugnay nito, bagama’t posible ang ganting opensiba mula sa Iran naniniwala si Cabalza na malabo pa ring maging daan ito para sa pagkakaroon ng World War 3.