Anak ng tanod, patay sa pamamaril matapos mapagkamalang magnanakaw ni Kapitan

๐Ÿ“… May 21, 2025 04:23 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated June 3, 2025 12:47 PM PHT
๐Ÿ‘ค Rose Anne Sibag  |  ๐Ÿ“‚ DZJV Radyo CALABARZON, Quezon
Photo courtesy of Sariaya MPS

Dead on arrival sa pagamutan ang isang 34-anyos na lalaking anak ng Barangay Tanod matapos mabaril ng kanilang Barangay Chairman sa Gibanga, Sariaya, Quezon.

Ayon sa pulisya, nangyari ito pasado alas-11:55 kamakalawa ng kagabi kung saan tumawag ng barangay tanod ang suspek dahil mayroon umanong kahina-hinalang indibidwal sa kanyang garahe.
Agad namang rumesponde ang naturang tanod kasama ang anak nito at dalawang iba pa.

Nang makarating sa bahay ng Kapitan, naunang pumasok ang tatlo at napahiwalay ang anak ng tanod dahilan para mapagbintangan itong umaaligid sa lugar.

Dito na ito pinaputukan ng baril ng kapitan na nagbunsod naman sa agaran nitong pagkasawi matapos itong masapul ng dalawa bala sa dibidb.

Sinampahan na ng kaso ang suspek.