Amihan, magpapalamig hanggang Marso 2026 — PAGASA | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Dahil sa northeast monsoon o amihan, mas malamig na panahon ang nararanasan at maaari pang magpalamig hanggang Marso ng susunod na taon.

Ayon kay Pagasa Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Liza Solis, nasa 11.4° hanggang 14.3° Celsius ang pinakamababang temperatura na maaaring maranasan ngayong Disyembre.

Samantala, maaari pang bumaba iyan hanggang 7.9° hanggang 11.8° degrees Celsius sa Enero at Pebrero.

Noong Linggo lamang, naitala sa Baguio City ang 13.6° Celsius bilang pinakamababang temperatura.

Ayon sa Pagasa, ang peak ng amihan season ay mararanasan sa Enero at Pebrero.

ADVERTISEMENT

Kaya pinag-iingat ang mga residente sa mga bulubunduking parte ng Luzon gaya ng Cordillera Administrative Region dahil sa posibleng formation ng frost na maaaring makaapekto sa mga pananim.