Amihan at easterlies, magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng bansa | News Light

📅

Nananatiling nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa Luzon, habang ang easterlies naman ang umiiral sa iba pang bahagi ng bansa, ayon sa 24-hour public weather forecast ng PAGASA.

Inaasahan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Makakaranas din ng tuloy-tuloy na ulan ang ilang lalawigan sa Hilagang Luzon, kabilang ang Cagayan Valley at Cordillera, dahil sa amihan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon na walang inaasahang malaking epekto.

ADVERTISEMENT

Pinapayuhan ang mga mangingisda at naglalayag na mag-ingat dahil sa maalong hanggang napakaalong karagatan sa Northern Luzon.