Amihan at bagyong Koto, patuloy na nakaapekto sa bansa | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Patuloy ang pag-iral ng northeast monsoon sa extreme northern Luzon habang nananatili sa labas ng Philippine Area of responsibility (PAR) ang Tropical Storm Koto, na huling namataan 440 km hilaga-hilagang kanluran ng Pag-asa Island sa Palawan.

Magdadala ang buntot ng bagyo ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Kalayaan Islands, na posibleng magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.

Sa Batanes at Babuyan Islands naman, mararanasan ang maulap na kalangitan na may mahinang ulan mula sa amihan ngunit inaasahang walang malaking epekto.

Samantala, ang Visayas, Mindanao, at natitirang bahagi ng Palawan ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang ulan dahil sa localized thunderstorms.

ADVERTISEMENT

Posible ring magkaroon ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa mga thunderstorm na dulot ng easterlies.