American pop star Katy Perry at former Canadian Prime Minister Justin Trudeau, spotted na magkasamang nag-dinner sa Montreal, Canada

📅  |  ✏️ Updated

Usap-usapan ngayon online, kung “dating” nga ba ang American singer-songwriter na si Katy Perry at former Canadian Prime Minister na si Justine Trudeau matapos ma-spotan na magkasamang nag-dinner sa Montreal, Canada.

Sa video na inupload ng TMZ, makikitang komportableng nagkukwentuhan habang magkaharap sa dining table ang dalawang personalidad.

Nag-bonding over cocktails at ilang mga putahe ang dalawa ayon sa TMZ.

Ayon naman sa People Magazine, Lunes, July 28, nang magkasamang nag-dinner si Perry at Trudeau sa Le Violon Restaurant, kung saan kanila ring binati ang chef nito at kitchen staff.

Matatandaang isang buwan pa lang ang nakalilipas nang kumpirmahin ni Perry ang hiwalayan nila ng kaniyang partner for nine years na si Orlando Bloom.

ADVERTISEMENT

Habang si Trudeau naman 2023 pa nang maghiwalay sila ng kaniyang asawa.

Wala pang pahayag ang kampo nina Perry at Trudeau patungkol sa kanilang “dating rumor.”