Taylena in one frame!
Nagbahagi ng ilang larawan ang Hollywood star at singer na si Selena Gomez kasama si American pop superstar Taylor Swift.
Sa instagram, proud na shi-nare ni Selena ang ilang behind-the scenes sa kanyang wedding preparation kasama ang bestfriend nitong si Taylor Swift.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Selena, nagpapasalamat siya sa 20 years ng kanilang pagkakaibigan ni Taylor na nananatili sa kanyang tabi kaya naman mahal na mahal niya ang kanyang bestfriend.
Matatandaan ikinasal si Selena Gomez nito lamang September 27 sa partner nitong si Benny Blanco.




