Allowance ng mga health care workers noong pandemic, matatanggap na | News Light

📅  |  ✏️ Updated
Photo courtesy: Alliance of Health Workers – AHW National, June 30, 2021

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Quezon City nitong Huwebes na matatanggap na ng mga health care workers na naglingkod noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic ang kanilang health emergency allowance (HEA).

Ito ay matapos ilabas ng Department of Budget and Management ang pondo ngayong Setyembre.

Batay sa Republic Act 11712, nakadepende ang halaga ng HEA sa risk classification ng HCWs: P9,000 kada buwan para sa high-risk, P6,000 para sa medium-risk, at P3,000 para sa low-risk.

Ang aktuwal na benepisyo ay kakalkulahin ayon sa bilang ng oras ng pisikal na pagpasok ng mga eligible public at private health care workers simula Hulyo 1, 2021.

ADVERTISEMENT

Patuloy din umanong nakikipag-ugnayan ang lungsod sa DOH upang mapadali ang proseso ng pondo.