Alice Guo, hindi Pilipino; guilty sa ilegal na panunungkulan bilang mayor ng Bamban, Tarlac — Manila RTC | News Light

📅 June 30, 2025 10:43 AM PHT  |  ✏️ Updated June 30, 2025 10:53 AM PHT
👤 Jomar Villanueva  |  📂 Pulitika, Featured, Latest News, News Light

Hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court Branch 34 si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa usurpation of public office o ilegal na pag-upo bilang mayor ng Bamban, Tarlac.

Ayon kasi sa korte, hindi maikakailang Chinese citizen nga si Guo at hindi siya Pilipino.

Dahil dito, ganap nang ousted o pinatalsik sa katungkulan si Guo.

Ituturing na void o walang bisa ang kanyang proklamasyon bilang mayor, at erased ang kanyang panahon sa panunungkulan dahil hindi qualified si Guo simula’t sapul, ayon sa korte.

Pinagtibay din ng korte na si Guo ay Chinese citizen kasama ng kanyang mga magulang na sina Guo Jian Zhong at Lin Wenyi na pawang may hawak na Chinese passports.

Ayon sa 1987 Constitution, tanging natural-born Filipinos lang ang maaaring tumakbo at manalo sa public office.

Si Guo ay tumakbo at nanalong mayor ng Bamban noong 2022.

Samantala, nasa 10 buwan na ring nakakulong si Guo dahil sa qualified non-human trafficking kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban.

Humaharap din siya sa hiwalay na reklamong money laundering at graft.