Alex Eala, wagi vs. Julia Riera ng Argentina sa quarterfinals ng Sao Paulo Open sa Brazil | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Pinataob ni Pinay tennis ace Alex Eala ang Argentinian na si Julia Riera sa score na 6-1, 6-4 dahilan para makausad sa quarterfinals ng Sao Paulo Open sa Brazil ngayong Huwebes.

Dinomina ni Eala ang unang set pero agad bumawi si Riera sa simula ng second set ngunit eksenang paandar agad si Eala sa pamamagitan ng tatlong magkakasunod na panalo dahilan para makalamang si Eala.

Hindi na nakaabante ang Argentinian hanggang sa tapusin na ni Eala ang laban.

Ito na ang ikalawang panalo ni Eala laban kay Riera sa ikatlong paghaharap nila.

ADVERTISEMENT

Susunod na makakalaban ng Pinay pride ang Indonesian na si Janice Tjen sa quarterfinals — isang matinding labanan ng dalawang top players mula sa Southeast Asia.

Congrats and laban, Alex Eala!