Muling nagwagi ang Pinay tennis star na si Alex Eala laban kay Olympic silver medalist Donna Vekic sa Kooyong Classic sa Melbourne, Australia.
Bagama’t isa lamang itong exhibition game, pinanalo ito ni Eala sa score na 6–3, 6–4.
Unang nagtapatan sina Eala at Vekic noong nakaraang linggo sa ASB Classic, at sa pangalawang pagkapanalo ni Eala laban kay Vekic, patunay ito na magaling talaga ang Pilipino sa tennis.
Naghahanda naman si Eala para sa Australian Open na gaganapin sa January 18 hanggang February 1. (Austin Gonzaga/News Light)



