Mula sa matinding laban noong linggo, waging muli ang pinay tennis player na si Alex Eala sa second round ng WTA 250 lexus Eastbourne Open sa England.
Pinataob ni Eala ang world no. 61 na si Lucia Bronzetti ng italy sa score na 6-0, 6-1, sa loob lang ng isang oras.
Kahit pagod mula sa three-set qualifying win kontra world no. 56 Hailey Baptiste di nagpakita ng pagod ang 20 year old na pinay sa naturang bakbakan.
Congrats and goodluck sa susunod na laban, Alex!