Nakagawa ng kasaysayan si Alex Eala matapos niyang masungkit ang unang Grand Slam match win para sa isang Filipina sa doubles category ng French Open.
Nakipagsanib-puwersa siya kay Renata Zarazua ng Mexico upang talunin sina Emily Appleton ng Britain at Yvonne Cavalle-Reimers ng Spain sa score na 7-5, 6-4.
Bagamat natalo sa unang round ng singles laban kay Emiliana Arango ng Colombia, masaya si Eala sa kanyang pagbawi sa doubles.
Ayon sa kanya, “heartwarming” ang tagumpay at umaasa siyang ito ay simula ng bagong “era” para sa sports sa Pilipinas.



