Bitbit ni Alex Eala ang kanyang bagong career-best ranking na world no. 53 sa pagbabalik-aksiyon niya sa WTA 250 Guangzhou Open ngayong Martes.
Sa kabila ng maagang pagkatalo sa WTA 250 Kinoshita sa Japan, umangat pa rin ng isang puwesto si Eala mula sa dating world no. 54.
ADVERTISEMENT
Bilang no. 4 seed sa singles, inaantabayanan pa ni Eala ang magiging kalaban niya sa draw.
Sa doubles naman, makikipag-partner siya kay Nadiia Kichenok ng Ukraine laban kina Emily Appleton ng Great Britain at Qianhui Tang ng China bukas ng 10:00 a.m.




