Naabot ni Alex Eala ang panibagong tagumpay sa kanyang karera matapos umangat sa world No. 54 — ang kanyang pinakamataas na ranggo sa ngayon.
Ang patuloy na pag-akyat ni Eala sa world rankings ay bunga ng kanyang performance sa Asian swing ngayong 2025 season.
Bagama’t maaga siyang natanggal sa ilang torneo, nagpatuloy pa rin sa pagtaas ang kanyang ranking dahil sa consistent na resulta ng kanyang mga nakaraang laban.
Susunod na sasabak si Eala sa Japan Open sa Osaka, kung saan layon niyang ipagpatuloy ang magandang momentum sa huling bahagi ng season.



