Alex Eala, target makakuha ng winning streak sa WTA 250 Sao Paulo Open | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Handa na si Alex Eala na ipagpatuloy ang kanyang panalo matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA title sa Guadalajara.

Magsisimula ang paghahanda ng 20-year-old Pinay tennis star sa São Paulo Open sa Brazil laban sa French player na si Yasmine Mansouri sa Round of 32 ngayong Miyerkules.

Seeded third si Eala sa torneo, kung saan top seed ang hometown favorite na si Beatriz Haddad Maia at second seed naman si Solana Sierra ng Argentina.

Kapag nakalusot sa unang round, makakatapat niya si Julia Riera sa Round of 16 at posibleng makaharap si Janice Tjen ng Indonesia sa mas huling yugto ng kompetisyon.

ADVERTISEMENT

Kasunod ng kanyang panalo sa Mexico, umakyat din si Eala sa No. 61 mula No. 75 sa WTA rankings matapos ang matagumpay na kampanya sa Guadalajara at sa US Open.