Matagumpay na nakapasok sa round of 16 ang Pinay tennis star Alex Eala sa Sao Paulo Open sa Brazil matapos niyang talunin ang world number 380 na si Yasmine Mansouri ng France.
Sa score na 6-0, 6-2, tinapos ni Eala ang laban sa loob ng isang oras at sampung minuto.
Dinomina ng world number 61 na si Eala ang laban.
Sa kanyang panayam, ipinahayag ni Eala ang kasiyahan sa mainit na suporta ng crowd matapos ang kanyang unang salang sa brazil at South America.
ADVERTISEMENT
Mula sa kanyang WTA 125 title sa Mexico, susubukan namang dagdagan ni Eala ang panalo kontra kay Julia Riera ng Argentina sa susunod na round.
Congrats, and laban lang, Alex!



