Alex Eala, pasok sa quarterfinals ng 2025 Suzhou WTA 125 | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Umakyat sa quarterfinals ng 2025 Suzhou WTA 125 si Filipina tennis star Alex Eala matapos ang mahigpit na laban kontra sa beteranang si Greet Minnen ng Belgium.

Sa loob ng tatlong oras at 18 minuto, nanaig si Eala sa score na 7-6, 6-7, 7-5.

Sa panalo, patuloy na umaasa si Eala na makapasok pa sa mas mataas na yugto ng kompetisyon at makapagdala ng karangalan para sa bansa.