Alex Eala, pasok na sa quarterfinals ng WTA500 Abu Dhabi Open

📅  |  ✏️ Updated

Bumulusok muli sa bagong career high ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos umusad sa quarterfinals ng WTA500 Abu Dhabi Open.

Ayon sa WTA Live Rankings, ika-38 sa pinakamahusay na professional women’s players si Eala.

Kasunod ito ng kanyang comeback win kontra kay Aliaksandra Sasnovich ng Belarus, sa score na 2-6, 6-4, 7-5(5).