Pasok na sa quarterfinals ang pinay tennis sensation na si Alex Eala matapos mag-retiro sa laban ang katunggali niyang si world no. 20 Jelena Ostapenko dahil sa injury.
Lumalamang na si Eala sa score na 3-2 sa third set nang magdesisyon ang Latvian player na hindi na ipagpatuloy ang laro dahil sa injury sa kaliwang binti.
Bagamat nadomina sa first set, 6-0, bumawi si Eala sa second set, 6-2 para makahila ng deciding set.
Gayunpaman, hiniling ni Eala ang panalangin ng marami para sa paggaling ng kanyang katunggali
Samantala, susunod niyang makakasagupa ang Ukrainian na si dayana yas-tremska sa quarterfinals.
Patuloy naman ang pagsasanay ni Eala, para sa kaniyang kaabang-abang na wimbledon main draw debut sa susunod na linggo.
Congrats, Alex!