Alex Eala, pasok na sa main draw ng Nottingham Open

📅 June 17, 2025 12:15 PM PHT  |  ✏️ Updated June 17, 2025 06:23 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Pasok na sa main draw ng Nottingham Open sa England ang Pinay Tennis Ace player na si Alex Eala matapos talunin ang Romanian player na si Anca Todoni sa score na 6-3, 7-6 at 6-3.

Tinapos ni Eala ang laro sa loob ng dalawang oras at labing-siyam na minuto kontra world no. 87 Todoni sa ikalawang round ng qualifiers.

Nauna nang tinalo ni Eala si Varvara Gracheva ng France sa unang round.

Hindi pa naman inaanunsyo ang schedule ng main draw matches.

Way to go, Alex!