Pasok na sa main draw ng Nottingham Open ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos ang matinding panalo laban kay Anca Todoni ng Romania sa qualifying round nitong Linggo.
Sa score na 6-3, 6-7, 6-3, ipinamalas ni Eala ang kanyang determinasyon sa isang tatlong-set na laban.
Ang Nottingham Open ay bahagi ng Women’s Tennis Association (WTA) 250 tournament circuit.
Hindi pa tiyak kung sino ang makakalaban ni Eala sa unang round, ngunit tiyak na aabangan ito ng mga Pilipinong tennis fans sa buong mundo.
ADVERTISEMENT



