Kaagad na nagpakitang-gilas si Alex Eala sa pagbubukas ng 2026 season matapos magtala ng panalo noong Lunes sa ASB Classic sa Auckland, kasama ang Amerikanang si Iva Jovic.
Tinalo ng batang tambalan sina dating world No. 1 Venus Williams at dating world No. 3 Elina Svitolina sa straight sets, 7–6, 6–1, sa isang doubles match.
Naging dikdikan ang unang set na nauwi sa tiebreak, kung saan nanaig sina Eala at Jovic matapos ang isang mahaba at matinding rally.
Tuluyang dinomina ng dalawa ang ikalawang set laban sa mas beteranong kalaban.
ADVERTISEMENT
Inaasahang ang panalo na ito ay makakatulong kay Eala bago siya bumalik sa singles action, kung saan haharapin niya si Donna Vekic ngayong Martes, Enero 6, sa Auckland.



