Gumawa ng kasaysayan si Filipina tennis star Alex Eala bilang kauna-unahang tennis player mula Pilipinas na lumaban sa Wimbledon Championships.
Nagpakitang-gilas si Eala sa kanyang kauna-unahang laban sa Wimbledon matapos gulatin ang defending champion na si Barbora Krejčíková sa unang set, 6-3, bago tuluyang natalo sa iskor na 3-6, 6-2, 6-1.
Bagamat natalo, ipinamalas ni Eala ang tapang at husay sa Centre Court, lalo na nang makuha niya ang unang set sa likod ng matitinding groundstrokes at pagkakamali ng Czech star.
Muling bumalik ang porma ni Krejčíková sa ikalawa at ikatlong set, kung saan nabawasan ang kanyang errors at kontrolado na ang kanyang serve upang tuluyang maagaw ang panalo.
Pinuri ng Czech tennis player si Eala, na tinawag niyang bahagi ng “next generation” ng tennis at sinabing lalo pa itong huhusay sa mga susunod na taon.