Patuloy ang pagkilala sa husay ni Pinay tennis star Alex Eala sa mundo.
Ito ay matapos muli itong umakyat sa ranking ng women’s world rankings.
Nasa ika-70 pwesto na si Eala, ang pinakamataas nitong nakuha sa kanyang karera at pinakamataas na rango ng isang Pilipino sa kasaysayan.
Sunod na mapapanood si Eala sa prestihiyosong French Open, ang isa sa apat na Grand Slam tennis tournaments kada taon.