Alex Eala, balik-training sa Spain matapos magpagaling sa injury | News Light

📅

Balik sa pageensayo si Filipina tennis star Alex Eala sa hard courts ng Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain, matapos ang ilang linggong pag-recover mula sa shoulder injury.

Kamakailan lamang ay umatras siya sa Cincinnati Tournament dahil sa parehong injury na nakaapekto rin sa kanyang laban sa Montreal Open.

Ayon kay Eala, mahalaga ang kanyang paghahanda ngayon para sa nalalapit niyang pagsabak sa US Open.