Alas Pilipinas, naghahandang harapin ang malalakas na koponan sa FIVB Men’s World Championship 2025 | News Light

📅 September 3, 2025 2:45 PM PHT  |  ✏️ Updated September 3, 2025 2:48 PM PHT

Bilang host nation, sasabak sa kauna-unahang pagkakataon ang Alas Pilipinas sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 kung saan makakaharap nito ang top African teams at powerhouse squad ng Iran sa Pool A.

Gaganapin ang torneo mula Setyembre 12 hanggang 28 sa Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum, tampok ang 31 pinakamahuhusay na volleyball countries sa mundo.

Pinangunahan ng Italian world champion coach Angiolino Frigoni ang paghahanda ng koponan, kasama ang mga pangunahing manlalaro na sina Bryan Bagunas at Marck Espejo, na bumalik mula sa international training camps sa Romania, Morocco, at Portugal.

ADVERTISEMENT

Habang nagbabalik mula sa injuries sina Bagunas at Espejo, umaangat naman ang mga batang players gaya nina Leo Ordiales, Buds Buddin, Louie Ramirez, Peng Taguibolos, Jade Disquitado, at Josh Ybañez upang tulungan ang mga beteranong spikers ng bansa.

Layunin ng Alas Pilipinas na makakuha ng mahahalagang karanasan laban sa world-class squads at makapagbigay ng makasaysayang laban sa harap ng home crowd.