Alas Pilipinas Men, puspusan ang paghahanda para sa 33rd Southeast Asian Games | News Light

📅 November 18, 2025 2:33 PM PHT

Dumating sa Taiwan nitong Linggo ang Alas Pilipinas men’s national volleyball team para sa kanilang dalawang linggong training camp bilang paghahanda sa 33rd Southeast Asian Games.

Makikipaglaro ang koponan sa anim na friendly matches kontra top Taiwanese teams sa Kaohsiung, kasama ang mga rising stars na sina Al-Bukarie Sali, JJ Macam ng UST, at Lucca Mamone, ayon kay PNVF President Ramon “Tats” Suzara.

ADVERTISEMENT

Nananatili naman sa Japan si team captain Bryan Bagunas para sa kanyang kampanya sa Osaka Bluteon sa SV.League.

Target ng Alas Men na muling makapodium matapos ang kanilang makasaysayang silver finish noong 2019, habang patuloy namang naghahanda ang Alas Women sa Mandaluyong sa ilalim ng Brazilian coach na si Jorge Edson Souza de Brito.