Airstrike ng Israel sa Gaza at Yemen, ikinasawi ng 21 katao kabilang ang 4 na mamamahayag | News Light

📅

Umalingawngaw ang airstrike ng Israel sa Sanaa, Yemen na nagresulta sa pagkamatay ng 6 at pagkasugat ng 89 katao.

Pahayag ng Israeli military, ang naging airstrike ay bahagi umano ng kanilang ganti laban sa naunang pag-atake ng Houthi.

Samantala, sapul din ng missile ang isang ospital sa Gaza. Makikita na habang naroroon pa ang mga rescue workers at mamamahayag sa gumuhong gusali matapos ang unang pagsabog ay muling tumama ang panibagong missile ilang minuto lamang ang nakalipas.

Nasa 15 ang naiulat na nasawi kabilang ang apat na mamamahayag at isang rescuer.

ADVERTISEMENT

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Israel ukol sa mga insidente. (Pink Feliciano/News Light)