Air quality sa Metro Manila, lubhang delikado ayon sa DENR-EMB | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Lubhang delikado ang air quality o kalidad ng hangin ngayon sa Metro Manila, ayon sa tala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Parehong nangunguna ang North Caloocan at Makati sa emergency level ng air quality na may air quality index na 301.

Pumangatlo naman dito ang Taguig, na may air quality index na 289 batay sa kanilang datos.

Ayon sa mga monitoring station ng ahensiya, ang tatlong lugar na ito ang may pinakamataas at pinakadelikadong air quality index, partikular sa PM2.5.

ADVERTISEMENT

Ayon sa US-based Centers for Disease Control and Prevention, lubhang delikado sa kalusugan ng isang indibidwal—lalo na sa dugo at baga—ang maruming hangin sa kanyang kapaligiran. (Austin Gonzaga/News Light)