Isang passenger flight ng Air India na biyaheng London ang bumagsak limang minuto lang matapos itong magtake off sa Ahme-dabad City, India ngayong araw.
Sa posts ng netizens online kita ang videos ng mababang paglipad ng eroplano ilang segundo bago ito tuluyang sumalpok sa isang residential area malapit lang mismo paliparan.
Agad nagliyab ang eroplano sa pagbagsak nito at nag iwan ng makapal na itim na usok.
Ayon sa air traffic control ng paliparan nakapag mayday pa ang naturang eroplano bago ito nawalan ng signal at komunikasyon.
Sakay ng flight “AI171” ang 242 passengers at crew members.
Karamihan sa kanila ay Indian nationals habang mayroon ding Briton, Canadian at Portuguese.
Iniimbistigahan naman na ng mga awtoridad ang naging sanhi ng pagbagsak ng naturang ‘Boeing 787-8 Dreamliner’ na ayon sa aviation tracking site na Flight radar 24 ay isa sa pinaka modernong passenger aircraft sa industriya ngayon.