Air assets ni Ako Bicol Rep. Co, ipapa-freeze ng DPWH; halaga nito, umaabot ng halos P5 bilyon

📅  |  ✏️ Updated

Mula kongresista hanggang kawani ng Department of Public Works and Highway at mga kontratista. Milyon hanggang bilyong pisong halaga ng mga sasakyang panlupa at maging pang-ere ang pag-aari ng mga ito.

Kaya si Public Works Sec. Vince Dizon, sumulat na sa Anti-Money Laundering Council para ipa-freeze ang mga ito na aniya’y mula sa kaban ng bayan.

Habang show cause order naman ang natanggap ng ilang opisyal ng ahensya dahil sa kwestyonable at maluho nilang pamumuhay.