Matapos ang makasaysayang panalo sa America’s Got Talent Season 20, muling binighani ng Filipina-American singer na si Jessica Sanchez ang publiko!
Tampok sa video ang pag-awit ni Jessica kung saan ipinamalas niya ang kanyang kakaibang boses sa isang worship song.
Sa kabila ng kanyang matagumpay na karera sa larangan ng musika, hindi niya kinalimutan ang pinagmulan ng kanyang talento. Ang kanyang boses, na bumihag sa milyun-milyong manonood, ay ginagamit niya rin upang papurihan ang Diyos na buhay.
Matatandaan na unang sumabak si Jessica sa America’s Got Talent noong sampung taong gulang pa lamang siya, at taong 2012 nang makilala siya sa buong mundo matapos maging runner-up o ikalawang pwesto sa American Idol.
Ang pagbabalik ni Jessica sa America’s Got Talent ngayong 2025 ang nagbigay-daan sa kanyang pagkapanalo.
ADVERTISEMENT
Naging pundasyon ni Jessica ang kanyang pananampalataya — pinatunayan niya na ang tagumpay ay walang kabuluhan kung wala ang Diyos.
Talaga namang isang tunay na champion kung maituturing — hindi lang sa entablado ng mundo kundi sa kanyang pag-aalay ng buong buhay at talento sa Panginoon. (Benedict Quejado/ News Light)



