Idinawit ni Agriculture Chief Francisco Tiu Laurel Junior, si Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa isa pang kontrobersiya ng kurapsyon.
Sa pagdinig ng budget deliberations sa kamara, iginiit ni Laurel na pinilit siyang maglabas ng import permit para sa tatlong libong container ng isda.
Para sa tatlong company kabilang ang ZC Victory Fishing Corp. na umano’y pag-aari ni Co.
Giit ni Laurel, hindi siya pumayag maglabas ng permit kahit isang container sa mga nominated companies.



