Umabot na ang prosekusyon at defense panel sa preliminary agreement ng mga key facts hinggil sa kaso ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa Internatonal Criminal Court.
Sa bisa ng nakabalangkas na kasunduan sa joint submission hudyat ito ng pag-usad ng kaso sa ICC.
Ayon sa joint submission na isinumite noong September 1 kasama sa mga napagkasunduan ang petsa at lugar ng kapanganakan ni Duterte ang kanyang pagkapilipino, at ang paggamit sa inisyal na “PRRD” bilang tawag sa kanya.
Nilinaw din ng mga partido ang depinisyon ng ‘Barangay’ bilang pinakamaliit na yunit pampulitika at administratibo sa Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Hindi pa tapos ang proseso at nakatakdang magpatuloy ang negosasyon para sa karagdagang facts kapag nalutas ang ilang isyu.



