Isinailalim na sa beripikasyon ng Armed Forces of the Philippines ang listahan ng mga opisyal ng gobyerno at dating heneral na umano’y sangkot sa destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Unang inilantad ng kolumnistang si Mon Tulfo sa social media ang naturang listahan kung saan idinawit nito sina Vice President Sara Duterte, Davao Representative Paolo Duterte, at dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na mga nagpopondo sa umano’y panunuya sa mga opisyal.
Ayon kay Communications Undersecretary Atty. Claire Castro, bagamat maaaring ito’y mapasailalim sa freedom of expression, dapat pa ring imbestigahan kung may basehan ang mga paratang at kung tunay na may destabilization effort.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, wala pang pahayag ang pamahalaan kung lumalabag sa batas ang mga nasa listahan.
Matatandaan, mula noong Setyembre, umugong na ang mga balitang may planong pagpapabagsak sa administrasyon habang lumalakas ang mga protesta laban sa umano’y katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.




