AFP, napag-alaman ang 252 pang ghost flood control projects sa malawakang inspeksyon | News Light

📅

Nadiskubre ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 252 umanong pekeng flood control projects bunsod ng inspeksiyon sa 10,000 infrastructure sites sa buong Pilipinas, ayon sa ahensya kahapon.

Ayon kay military spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, inatasan aniya ang AFP at Philippine National Police (PNP) na suriin ang may kabuuang 30,000 proyekto sa bansa; sa 10,000 aniyang nasuri na, 252 dito ang ghost projects na binuo mula taong 2016 hanggang kasalukuyan.

Sa 20,000 pang natitira para inspeksiyunin, ani Padilla, magtiwala aniya ang publiko na magagampanan nila ang kanilang trabaho at maibibigay ang kumpletong report sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para pamahalaan nito ang mabilisang imbestigasyon.

Maaalalang humingi ng tulong sa AFP at PNP si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon dahil sa presensya ng mga yunit nito sa buong bansa.

ADVERTISEMENT

Bibigyan ang mga ito ng coordinates sa lugar ng proyekto at aatasang kuhanan ng litrato, isailalim sa physical verification, at idokumento ang istruktura para patunayan kung lehitimo o hindi ang mga ito. (Denniel Salayo/News Light)