Para sa pagme-maintain ng peace and order, naka-red alert status na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng mga protesta kontra korapsyon sa bansa.
Kahandaan daw ng militar na tulungan ang pulisya ang dahilan ng red alert status kaya walang dapat ipag-alala, ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla.
Nire-require ng red alert status ang mga miyembro ng AFP na mag-standby; wala munang leave privileges at sisiguraduhin na reresponde ito kung mayroong hindi inaasahang pangyayari, paliwanag ni Padilla.
Payapa naman ang mga nagdaang kilos-protesta ayon sa Philippine National Police, na nag-deploy na rin daw ng lampas 2,100 personnel at 1,500 miyembro ng Reactionary Standby Support Force para sa kaligtasan ng publiko.
ADVERTISEMENT
Epektibo ang red alert status mula pa noong Biyernes, September 12. (Denniel Salayo/ News Light)



