Isinumite na sa Office of the Ombudsman nitong Martes ang notarized affidavit ng sinasabing “bagman” ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga na nag-uugnay sa kanya sa POGO at ilegal na droga.
Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Raymund Palad, ipinasa ang affidavit para sa imbestigasyon at posibleng kaso alinsunod sa batas.
Sa affidavit na may petsang November 29, sinabi ni Madriaga na ang pondo ng Inday Sara Duterte is My President (Isip) campaign ay galing umano sa POGO at drug dealers.
Binanggit din niya ang mga umano’y paghahatid ng malalaking halaga ng pera at ang paggamit ng mga sasakyan para sa mga transaksyon.
ADVERTISEMENT
Hiling din ng depensa na sumailalim sa forensic examination ang tatlong cellphone ni Madriaga na nasa kustodiya na ng korte na anila’y may laman na call logs, text messages, at mga larawan na magpapatunay sa mga alegasyon.
Samantala, nilinaw ng Malacañang na walang personal na kaalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga paratang laban kay VP Sara.



