Mag iisyu si Ombudsman Crispin Remulla ng bagong memorandum na pahihintulutan ang access ng publiko sa ASLN o Statement of Assets, Liabilities, and Net worth ng mga opisya kabilang na riyan kay Pres. Ferdinand Marcos Jr. at Vice Pres. Sara Duterte.
Kontra ito sa 2020 memo na inilabas noon ni dating Ombudsman Samuel Martires na naghigpit sa pag-access ng SALN at nangailangan ng pahintulot ng may-ari bago ito ilabas.
Gayunpaman, iginiit ni remulla na dapat pa ring sumunod sa batas at privacy rules ang pagbibigay ng access sa publiko.



